INAASAHANG bibilis ang inflation sa Marso, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa isang statement, sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na ang inflation o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay tinatayang maitatala sa 3.7% at magkakasya sa 3.3% hanggang 4.1% range.
Ang latest projection ay mas mabilis sa 3% noong Pebrero, na pasok pa rin sa target range ng pamahalaan na 2% hanggang 4% para sa taon.
“The continued oil price hikes along with high electricity rates in Meralco-serviced areas, higher meat prices, and the peso depreciation are the primary sources of inflationary pressures during the month,” sabi ni Diokno.
“Looking ahead, the BSP will continue to monitor emerging price developments and possible second-round effects to help achieve its primary mandate of price stability that is conducive to balanced and sustainable economic growth of the economy,” dagdag pa niya.
Para sa 2022, inaasahan ng BSP na ang inflation ay magtatala ng average na 4.2% dahil sa mas mataas na tinatayang halaga ng langis sa gitna ng nagpapatuloy na Russia-Ukraine conflict.