(Sa pagtaya ng BSP) MAY INFLATION BABAGAL SA 4.4%

BSP

BABAGAL pa ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa Mayo, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa pagtaya ng BSP, ang inflation rate ay maitatala sa 4.4% sa buwan ng Mayo, pasok sa 4-4.8% target range. Mas mababa ito sa 4.5% na naitala noong Abril.

Tinukoy ni BSP Governor Benjamin Diokno ang mas mataas na presyo ng karne, oil products at singil sa koryente bilang pangunahing dahilan ng upward price pressures ngayong buwan. Gayunman, maaari itong ma-offset ng pagbaba sa presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng bigas, gulay at isda, gayundin ng paglakas ng piso kontra dolyar.

“Moving forward, the BSP will remain watchful of economic and financial developments to ensure that the monetary policy stance remains consistent with the BSP’s price stability mandate,” anang central bank.

Inaasahang iaanunsiyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang May inflation rate sa Biyernes, Hunyo  4.

43 thoughts on “(Sa pagtaya ng BSP) MAY INFLATION BABAGAL SA 4.4%”

Comments are closed.