(Sa pagtaya ng BSP)MARCH INFLATION BABAGAL SA 7.4%-8.2%

BSP-INFLATION

POSIBLENG bumaba ang inflation sa Marso sa 7.4 hanggang 8.2 percent, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang pagtaya ay mas mababa kumpara sa 8.6 percent rate noong Pebrero.

Ayon sa central bank, ang tinatayang pagbagal ng inflation ay dahil sa rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo, mas mababang presyo ng mga prutas at gulay, gayundin ang pagmura ng manok at asukal.

Samantala, ang upward price pressures para sa buwan ay mula sa mas mataas na singil sa koryente, at pagtaas ng presyo ng baboy, isds, itlog at bigas.

“Going forward, the BSP remains prepared to respond appropriately to continuing inflation risks in line with its data-dependent approach to monetary policy formulation,” ayon sa central bank.