POSIBLENG bumagal ang inflation sa 2.5% ngayong buwan mula 3.3% noong Agosto, ayon kay Finance Secretary Ralph Recto.
”For September, ang expectation natin is roughly 2.5 (%), it’s a range between 2.1 [and] 2.9, the midpoint is roughly 2.5,” pahayag ni Recto sa isang Palace press briefing.
Tiwala si Recto na maaabot ng bansa ang inflation target nito para sa Setyembre.
Nauna nang iniulat ni National Statistician at Philippine Statistics Authority chief Claire Dennis Mapa ang pagbagal ng inflation sa 3.3% noong nakaraang buwan, mula 4.4% noong Hulyo.
Ayon sa PSA, ang pagbaba ng inflation ay dahil sa mas mabagal na pagtaas sa presyo ng pagkain at transportasyon.
Sinabi pa ni Recto na maaaring tumaas ang inflation sa fourth quarter, subalit pasok pa rin sa 3.1% hanggang 3.9% range.
“Tuwing fourth quarter tumaas nang konti pero like I said, we expect it to be within the target range of the BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas) of anywhere between 2 to 4 percent,” aniya.
“So, for the full year, we’re looking at the total inflation rate to be about 3.4 percent more or less. And the beauty about reducing inflation is that your GDP (gross domestic product) growth goes up and more jobs can be created, you’re borrowing cost goes down,” dagdag pa ng DOF chief.
Inaasahan naman ni Recto na lalo pang babagal ang inflation sa 2025, na mula 2.9% hanggang 3.1%.
“We expect inflation to be 2.9 to 3.1 percent next year. So, even lower than this year,” ani Recto.