(Sa pagtaya ng USDA) PH WORLD’S BIGGEST RICE IMPORTER SA 2025

TINATAYANG mananatili ang Pilipinas bilang world’s biggest rice importer sa 2025, ayon sa United States Department of Agriculture (USDA).

Sa datos na inilabas ng USDA sa monthly global grains report nito para sa Mayo ay lumitaw na ang rice imports ng Pilipinas ay tinatayang magiging mas mataas pa sa susunod na taon kumpara sa inaasahang  4.1 million metric tons (MT).

Ang imports ng bansa ay tinatayang aakyat sa record 4.2 million tons dahil sa patuloy na paglago sa pagkonsumo.

 “The Philippines is expected to again be the largest global rice importer,” nakasaad sa report.

Tinukoy ng USDA ang inaasahang paglobo ng populasyon at paglago ng turismo para sa inaasahang pagtaas sa imports. Nakasaad sa pinakahuling datos ang 109.03 milyong Pilipino hanggang May 2020, at ang mahigit 2 milyong foreign tourists sa bansa mula January hanggang April 2024.

Para sa 2024, inaasahan ng USDA na aangkat ang bansa ng 4.1 million MT, isang upward revision mula  3.9 million MT na tinaya noong Pebrero.

Binanggit ng ahensiya ang “smalled crop” para sa rebisyon, tinukoy ang epekto ng nagpapatuloy na El Niño phenomenon at ang malakas na pag-angkat sa Vietnam.

Batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ng 2.0% ang produksiyon ng palay o unmilled rice sa first quarter ng taon.