(Sa pagtaya ng World Bank)PH ECONOMY LALAGO NG 7.2% SA 2022

PH ECONOMIC GROWTH

ITINAAS ng World Bank ang 2022 growth forecast nito para sa Pilipinas.

Sa latest Philippine Economic Update nito na inilabas kahapon, sinabi ng Washington-based lender na ang ekonomiya ng bansa ay lalago ng 7.2% ngayong taon.

Mas mataas ito sa naunang 6.5% forecast na inilabas noong Setyembre.

Subalit sa patuloy na pagtaas ng inflation na inaasahang huhupa lamang sa 2023, at sa pagsisimulang maramdaman ang mas mataas na borrowing costs, ang paglago ay maaaring bumagal sa average na 5.7% sa 2023.

Sa kasalukuyan ay itinaas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang key policy rates nito ng kabuuang three percentage points ngayong taon sa multi-year high na 5% mula sa 2% lamang sa pagsisimula ng 2022.

Dahil dito ay mahal na ang mangutang at nalimitahan din ang paggasta ng mga consumer.

“We expect inflation to peak in 2023. This is premised on the second-round effects that have crept into inflation. As you can see not only has headline inflation increased through the increase in food and fuel prices but also it has crept into core inflation which means that the second-round effects, the wage increases and increased inflation expectations,” wika ni Ralph van Doorn, World Bank Senior Economist.

Ipinaliwanag ni Van Doorn na bagaman inaasahang bababa ang global commodity prices sa 2023 at 2024, magkakaroon pa rin ng momentum ng core inflation na patuloy na magtutulak sa inflation na lagpas sa 4%.