SA KASALUKUYAN, ang Pilipinas ay may mahigit 13 milyong kabataang manggagawa o empleyado na may edad 15-30.
Ang masakit lang, sa kabuuang bilang na ito, mahigit 2 milyon sa kanila ang hanggang ngayon ay underemployed. Ito ang datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Kapag sinabing underemployed, ito ‘yung mga trabahador natin na hindi angkop sa kanilang skills, karanasan sa trabaho at galing ang napasukang trabaho. Sila po ‘yung mga manggagawa na highly-skilled pero ang suweldo, kakarampot lang. O kaya naman, mga trabahong short-term lang or part-time.
Bilang chairman po ng Senate Committee on Youth, tayo po ay nababahala sa mga datos na ito. Dapat ay magkaroon din ngkasiguruhan ang ating mga kabataang empleyado sa kanilang pinapasukang trabaho. Dapat ay matiyak na sumusuweldo sila na naaangkop at nakatutulong sa kanilang pag-unlad.
Karamihan sa 15-30 age bracket ay nasa mga industriyang may kinalaman sa agrikultura, wholesale and retail, motorcycle and motor vehicles repair, construction, forestry, manufacturing, administrative and support service activities. Sila ‘yung mga manggagawa natin na dahil hirap makahanap ng mapapasukang trabaho na angkop sa kanyang forte o tinapos na kurso, napipilitang pumasok sa low-paying or low-skill jobs. Ang resulta, napakaliit ng tinatanggap nilang suweldo.
Hindi naman siguro dapat na maging normal na lang ito. Nakakaawa naman ang younger generation of employees and workers natin. Suhestiyon natin sa gobyerno, upang kahit paano may maresolba ang underemployment sa ating mga kabataang manggagawa ay makipag—ugnayan ang iba’t ibang ahensiya sa private sector. Ito ay para magtulungan sila sa paglikha ngmaayos na trabaho na magbibigay ng magandang pasahod. Dapat, kung may job creations program tayo, tiyakin din natin na susuweldo nang maayos ang mga nabibigyan ng pagkakataong makapagtrabaho.
Ayon nga sa report ng International Labor Organization, ang mga kabataang manggagawa, kapag nawawalan ng trabaho o walang makuhang trabaho, nagkakaroon sila ng marka na hanggang doon na lang sila – mga hindi na makahabol sa mga kasabayan nila dahil nga napunta sila sa trabahong hindi silamagawang mapaunlad. Nakakaawa ang mga kabataan nating ito.
May mgapangarap din sila sa buhay. Lahat tayo, may pangarap at sana, huwag natingipagkait sa kanila ang mga pangarap na‘yan. Tulungan natin sila.
Kung magtutulungan ang gobyerno at pribadong sektor sa paglikha ng trabaho, ang suhestiyon natin dyan, dapat ay mga trabaho ng may kaugnayan sa pagnenegosyo at sa iba’t ibang industriya ang likhain nila. Tiyak ay magandang trabaho ito at maganda rin ang sistema ng pasuweldo.
Dalawang taon tayong iginupo ng pandemya at marami sa mga empleyado natin, dumanas talaga ng matinding dagok.
Kaya sana, makagawa talaga ng paraan ang mga kinauukulan para matulungan ang mga manggagawang ito, partikular ang ating young workforce.