(Sa panahon ng ECQ) MALLS SA NCR PLUS MAAGANG MAGSASARA

Mall

MAAGANG magsasara ang mga pangunahing mall sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan nito na nakapailalim sa NCR Plus bubble

Ito’y makaraang ideklara ng Inter-Agency Task Force (IATF) na muling isasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna sa buong Holy Week.

Matapos ang anunsiyo ng Malakanyang kamakalawa ng gabi, sabay-sabay na nag-abiso ang mga mall sa kanilang social media accounts.

Batay sa kanilang abiso, magsasara ang mga mall ganap na ala-6 ng gabi ngayong araw, Marso 29, kasabay ng ipatutupad na mas pinaagang curfew na tatagal naman hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay, Abril 4.

Gayunman, tanging ang mga supermarket, pharmacy, bangko at hardware ang magbubukas sa mga mall habang mahigpit na ipagbabawal ang dine in kahit na al fresco, at sa halip, take out at delivery lamang ang papayagan.

Una nang tiniyak ng Malakaniyang na mananatiling bukas ang mga supermarket at palengke sa ilalim ng ECQ upang mapanatiling matatag ang suplay at presyo ng pagkain. DWIZ 882

2 thoughts on “(Sa panahon ng ECQ) MALLS SA NCR PLUS MAAGANG MAGSASARA”

  1. 101769 750225I simply ought to tell you that you have written an excellent and exclusive write-up that I genuinely enjoyed reading. Im fascinated by how nicely you laid out your material and presented your views. Thank you. 71657

Comments are closed.