(Sa panahon ng National Health Emergency) MGA MAGRA-RALLY KAKASUHAN NG PNP

PNP Spokesperson Col Bernard Banac

CAMP CRAME-BINALAAN ng Philippine National Police (PNP) na mahaharap sa kaso ang lahat ng mga grupong magtitipon ngayong nasa National Health Emergency ang buong bansa.

Ito ay matapos ang ginawang public assembly ng 20 miyembro ng Kadamay sa pangunguna ni Jocy Lopez sa Brgy. San Roque sa EDSA, Quezon City noong Abril 1.

Layunin sana ng grupo na magprotesta sa Quezon City governmenr dahil sa mabagal na pamamahagi ng ayuda partikular ng pagkain.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig Gen Bernard Banac, umaapela ang PNP sa publiko na manatiling kalmado at manatili sa  bahay para masunod ang umiiral na community quarantine nang sa ganu’n hindi mahawaan ng COVID-19.

Sinabi naman ni NCRPO Chief Major General Debold Sinas na naiintindihan niya ang hinaing ng ilang pamilyang kinakapos sa pagkain ngayong panahon pero kailangan pa rin aniya na maghintay ng tulong mula sa gobyerno.

Kinakailangan aniya na bawat isa ay may sarkipisyo para lang hindi mahawaan ng nakakamatay na virus.

Sinabi rin ni Banac  na gumagawa na ng paraan ang Pangulong Rodrigo Duterte  para matulungan ang mga kinakapos sa pagkain.

Ito ay ang pagbibigay ng cash assistance na hindi na idadaan pa sa mga politiko sa halip mismong DSWD na ang mamimigay nito sa mga nangangailan para maiwasan ang politika. REA SARMIENTO

Comments are closed.