PATULOY ang pagpapahiram ng pondo ng mga bangko sa maliliit na negosyo, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa datos ng BSP, hanggang noong July 29, ang mga bangko ay nakapagpautang ng kabuuang P188.7 billion sa micro, small and medium enterprises (MSMEs), mas mataas sa P8..7 billion noong April 2020.
“These numbers suggest that banks continue to extend financial relief to borrowers during this crisis,” wika ni BSP Governor Benjamin Diokno.
Pinayagan ng BSP ang MSME borrowings ng mga bangko bilang alternative compliance sa reserve requirements magmula pa noong nakaraang taon.
Layunin nito na mapataas ang banks’ liquidity at mapalakas ang kanilang kakayahan na magpautang sa maliliit na negosyo para matiyak ang tuloy-tuloy na economic activities sa kabila ng pandemya.
“Thus, customers are encouraged to approach banks regarding adjustments to their loan terms to match their cash flows and paying capacity,” ani Diokno, at idinagdag na maaaring ikonsulta ng mga borrower ang kanilang may financial transactions sa pamamagitan ng Online Buddy (BOB) ng BSP, na available sa BSP website.
Ayon kay Diokno, tumaas ang restructured loans ng mga bangko sa P328.6 billion hanggang noong Hunyo ng kasalukuyang taon mula sa P48.7 billion sa kaparehong panahon noong 2020.
“This increased the share of restructured loans on total loans to around 3.1 percent as of the first half this year from 0.5 percent a year ago,” dagdag pa niya.
615834 694894I dugg some of you post as I cogitated they were quite beneficial invaluable 654371
735975 360947This style is spectacular! You clearly know how to keep a reader amused. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own weblog (nicely, almostHaHa!) Great job. I genuinely enjoyed what you had to say, and a lot more than that, how you presented it. Too cool! 762192