SA PANAHON NG PANDEMYA BISIKLETA MALAKING TULONG SA PAMILYA

patnubay ng driver

GOOD day, mga kapasada!  Kumusta po ang buhay?  As always, dalangin po ng pitak na ito na ligtas kayong lahat sa masasamang  birong dulot ng COVID-19.  Stay safe po, mga kapasada, at huwag kalilimutan sa panahong ito na tayo ay nasa ilalim ng heightened general community quarantine (GCQ), huwag tayong lalabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan at gaya ng payo ng Kagawaran  ng Kalusugan, ugaliin kahit nasa tahanan ang pagsusuot ng face mask, face shield at ang paghuhugas ng kamay sa  pamamagitan ng pagsasabon at paggamit ng sanitizer.

Sapat na po ang paalaala ng DOH para po sa ating kaligtasan at ng buong pamilya. Sa isyu pong ito ng Patnubay ng Drayber,  napapanahon pong  paksa ang ating tatalakayin at iyan ay may kinalaman sa pagmamantine ng bisikleta. Mahalaga po sa panahong ito ang bisikleta bilang pinakamura, mabilis at ligtas na sasakyan sa  panahon ng pandemya. Kung noon, ang bisikleta ay ginagamit lamang sa  paglalaro ng mga kabataan sa mga parke at sa harapan ng tahanan, aba, ngayon po, ito ang maituturing na pinakamurang sasakyan na magagamit sa paglalakbay.

ANO BA ANG ANG BASIC MAINTENANCE NG BISIKLETA?

Sa pakikipanayam ng pitak na ito kay G. Meroy Gumapac, maintenance mechanic ng isang kilalang bicycle parts and service shop sa kahabaan ng Sucat Avenue, Paranaque City, ang bike maintenance ay isang malawak na topic, so in this practice, let’s start with the basic tulad ng:

  1. A pre-ride inspection.
  2. Securing bolts.
  3. Cleaning and lubricating components.

Sandaling huminto sa pagsasalita si G. Meroy, itinayo ang isang nakasandal na bisikleta sa kanilang display center at saka nag-salita. Bilang isang bicycle rider o may-ari ng bisikleta lalo na sa panahon ngayon ng pandemya, huwag ninyong kaliligtaan ang regular maintenance ng bike sa pamamagitan ng bike mechanic. Kung kayo ay regular na sumasakay o gumagamit ng bisikleta tulad ng sa panahong ito na utility vehicle ang bike, tiyakin lamang na patingnan sa bike mechanic ng dalawang beses isang taon for tune ups upang matiyak na ang complex, hard-to-evaluate components tulad ng:

  1. Bearing surfaces.
  2. Derailliurs and cables are inspected and serviced regularly; gayundin ang spokes.

Ang nabanggit na mga bike parts ay dapat na laging sinusuri ng bike mechanic para mai-adjust kung kinakailangan para sa in-yong kaligtasan sa pagsakay at  paglalakbay malapit man o malayuan.

PAGSUSURI SA  INYONG BISIKLETA

Ayon kay G. Meroy, ang pinakamabuting pangangalaga sa bike laban sa mga lose component ay ang tinatawag na routine in-spection bago ito gamitin o sakyan. Makatutulong, aniya, ito para mabatid ang mga potential problem bago ito maka-develop into safety hazard, most pre-ride inspection adjustment can be made with simple bike multi tools.

ANG ABC AIR BRAKES CHAIN

Isang mahalagang payo ng bike mechanic sa mga bike rider na sa bawat pagsakay, tiyakin na nasuring mabuti ang ABC upang makatiyak na ligtas ang iyong  paglalakbay, gayundin para tumagal ang life ng iyong bicycle.

  1. Ang A ay kumakatawan sa air (hangin) having properly inflated tires help prevent flats. Check the sidewall of your tire for the recommended tire pressure.  The air takes the opportunity to ensure your quick release lever and thru axles (kung mayroon nito ang iyong bike ay kailangang properly tight-ened as well as tiyakin din na may dala kang patch kits at pambomba para magamit sakaling magkaroon ng flat.
  2. B – kumakatawan sa brake (preno). Squeeze your front and rare brake upang makatiyak na gumagana ang mga itong mabuti.
  3. C – kumakatawan sa chain (kadena) at sa lahat ng mga gear. Panatilihing nilulubricate ang chassis at tiyaking malinis ang lahat upang makatiyak na maayos ang iyong drive train (na bumubuo sa front chain rings, rear cassette, rear derailleur and chain) upang tumagal ang buhay ng bike.

HIGPITAN ANG BIKE BOLTS

Bicycles are held together by a dozen bolts of nuts.  Ang pagpapanatili na mahigpit sa mga bolt ay mahalaga dahil kapag maluwag ang mga ito, madaling masisira ang bike at magiging dahilan upang maisakripisyo ang kaligtasan at  peligro sa paglalakbay. Sa paghihigpit ng bolts, sangguniin ang manual para sa wastong torque speeds, ang lubhang mahigpit ay maaaring makasira sa parts ng bike.

CLEANING AND LUBRICATING YOUR BIKE

Ipinayo ni G. Meroy na ang regular na schedule ng maintenance (buwanan o lingguhan) o mas malimit kaysa mga ito, depende sa iyong paggamit ng bike. Kung malimit mong gamitin ang iyong bike at idaan sa maputik, basa o paspasan kung patakbuhin at sa malayuang paggamit, kailangan na malimit mo ring linisin ang iyong bike. Ayon kay G. Meroy, ang pagpapanatiling malinis at lubricated ang iyong bike ay lubhang mahalaga para magkaroon ito ng good performance. Lubrication protects moving parts from excessive wear na likha ng friction, prevent freezing up at nakatutulong para hindi magkaroon  ng corrosion o ‘di kinakalawang ang mga bahagi ng bike.

Gayunman, babala ni G. Meroy na ang over-lubricating ay maaaring magdulot ng ‘di mabuting performance at maaari ring maka-damage sa parts ng bake dahil excess lubricants will attract dirt and other abrasive particles. Kaugnay nito, pagkatapos mahugasan ay kaagad na punasan at patuyuin ang bahaging hinugasan  at sa gayunding paraan ang lubricantas ay magkakaroon ng  pagkakataong makapasok sa mga  parteng kailangang ma-lubricate.

PAYONG PANGKALIGTASAN SA PAGBA-BIKE KUNG GABI

Isa sa delikadong biking ay ang pagba-bike kung gabi.  Ito ang pahayag ni G. Bogs Bayon ng GSPOTRESTO GRILLS Bikers Club sa 161 Aguirre social lane sa BFHomes, Parañaque City.  Sabi ni G. Bayon, kung magba-bike sa gabi, it’s a must for every biker, be it alone to observe the following:

  1. use lights safely and effectively when driving at night;
  2. don’t blind on coming traffic with the full beam;
  3. reduce speed especially in areas of pedestrian activity;
  4. increase following distance to increase crash avoidance space;
  5. do not continue to drive when tired or fatigue;
  6. avoid driver distraction – increase alertness and criminals lurking in the dark;
  7. remain cautious to animals on the road;
  8. be extra cautious when approaching intersection.

MEMORIZE BY HEART ANG SENYAS AT SIGNS SA TRSFFIC

Ayon kay G. Bayon, at least once a week sila ay nag-a-out of town biking.  So basic sa kanilang samahan na to understand ang mga sign at senyas sa trapiko na karaniwang nakikita sa highway, sa kalsada at sa bangketa tulad ng:  magbigay ng impormasyon, magtakda ng kaukulang regulasyon at mag-bigay ng babala kung delikado ang kondisyon ng  daan.

Note: A simple na pasasalamat kay kasangguning  Meroy Gumapac at sa ibinahaging insight ni G. Bogs Bayon. Salamat po.

LAGING TATANDAAN:  UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI. HAPPY MOTORING!

8 thoughts on “SA PANAHON NG PANDEMYA BISIKLETA MALAKING TULONG SA PAMILYA”

  1. 207330 690537Its like you read my mind! You appear to know so a lot about this, like you wrote the book in it or something. I feel that you can do with some pics to drive the message home a bit, but rather of that, this is amazing blog. A wonderful read. Ill surely be back. 428018

  2. 420933 739080A persons Are normally Weight loss is certainly a practical and flexible an eating strategy method manufactured for those who suffer that want to weight loss and therefore ultimately conserve a much much more culture. weight loss 317811

Comments are closed.