SA PANAHON NG PANDEMYA KAILANGAN ANG BISIKLETA

on the spot- pilipino mirror

GOOD day, mga kapasada! ​Tag-ulan na naman.  Ang karaniwang pagbabaha sa mga lansangan saan mang sulok ng metropolis ay hindi maiiwasan. ​Sa ganitong uri ng panahaon, ang karaniwang senaryo ay ang pagtirik ng mga sasakyan na nababalaho sa malalim na baha, idagdag pa rito ang butas-butas na lansangang lumubog sa malalim na tubig-baha at putik na inaagos ng malakas na patak ng ulan.

​Subalit may mga paraan ang pamahalaan kung papaanong ang mga mamamayan na nabibilang sa naghihikahos na pamayanan sa buong bansa ay mabibigyan ng alternatibong magagamit sa paglalakbay sa murang halagang magugugol saan man ang kanilang patutungunhan. ​Ang alternatibong paraan ay ang paggamit ng bisikleta na may  pisikal at pinansiyal na kabutihan. Ngunit ang pagbibigay ng ganitong kaluwagan ay hindi magiging ligtas kundi lalong magbibigay ng ibayong suliranin sa mamamayan sa peligrong idudulot  nito kung hindi isasaalang-alang ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga manlalakbay gamit ang bisikleta.

KONSTRUKSIYON NG BIKE LANE PANGKALIGTASANG SOLUSYON

​Sa pahayag kamakailan ng Kagawaran ng Transportasyon, tatlong bike lane ang kanilang inilunsad: isa sa National Capital Region (NCR), isa sa Metro Cebu at isa sa Metro Davao upang maitaguyod sa nabanggit na mga lugar ang aktibong transportasyon sa ating bansa.

​Ang span ng nasabing bike lane ay nasa 497 kilometers na sementado at kumpleto sa physical separators at road signages na natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

​Sa NCR, humigit kumulang sa 313 kilometro na sementado at physical separators at road signages ang natapos na ginastusan ng national government sa halagang P801,830,479, ayon sa balikang pagsisikap ng DOTr at ng DPWH.​Ang kabuuang halaga na ginugol sa tatlong nabanggit na proyektong pangkaligtasan sa paggamit ng bisikleta bilang mode of transportation ay umabot sa P1.09 bilyon sa ilalim ng

Bayanihan Bike Lane Network Project. ​Ayon kay DOTr Secretary Art Tugade, ang paglalagay ng sementado at physical separators at road signages ay nagpapakita kung gaano nakatuon ang DOTr sa pagtataguyod ng aktibong transportasyon at road signages na titiyak sa kaligtasan ng mga namimisikleta  at mga naglalakad na pedestrian.

​Sa ilalim ng Republic Act No. 1149 o ang Bayanihan to Recover as One Act, ang promosyon ng aktibong transportasyon ay pinalakas ng pagdedeklarang bisikleta bilang isang karagdagang paraan ngtransportasyon at pagbibigay ng pondo upang suportahan ang pagbuo ng mga bike line network. ​Para sa ibayong pagpapatupad ng naturang batas, ang DOTr at  ang DPWH, kasama ang Department of Health at ang Department of the Interior and Local Government ay lumagda kamakailan sa isang Joint Administrative Order (JAO) 2020-001 na nagtatakda ng gampanin ng local at national government sa pagtataguyod ng  aktibong mode of transportation sa panahon ng pandemya.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGMAMANTINE NG BISIKLETA

​Maraming kabutihang dulot ng bisikleta bilang bagong mode of transportation ng karaniwang mamamayan sa panahon ng pandemya.

​Batid ng mga ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa transportasyon na kailangan ngayong pagtuunan ng pansin ang pagtitipid sa pagtungo at pabalik mula sa trabaho sa tahanan.

​Sa kanilang pag-aaral, ang solusyon na kanilang napagtuunan ng pansin ay ang paggamit ng bisikleta na bukod sa makatutulong sa physical fitness ng katawan ay talaga namang malaking tipid sa kanilang gastusin sa pamasahe at sa kakulangan ng masasakyang mga bus na nagyayaot sa dating rutang naapektuhan ng COVID-19.

TIP SA PAGMAMANTINE NG BISIKLETA

​Ayon sa maintenance mechanic ng BNT Bicycle Enterprise, ang pagmamantine ng bisikleta ay may malawak na ranging scope topic, so in this practice, aniya, “let’s start with the basic tulad ng: a pre-ride inspection, securing bolts at cleaning and lubricating components.”

​Ipinaliwanag ng resource mechanic na kung kayo ay regular na sumasakay sa bisikleta, huwag kaliligtaan ang regular maintenance ng brake sa pamamagitan ng bike mechanic.

​Sa tuwing gagamit ng bike, malayo man at malapit ang paroroonan, tiyakin lamang na patingnan sa bike mechanic ng dalawang beses sa isang taon for tune up upang matiyak na ang complex, hard-to-evaluate ng components tulad ng bearing surfaces, deraillurs and cables are inspected and serviced regularly, gayundin ang spokes.

​Ang nabanggit na bike parts ay dapat na laging sinusuri ng bike mechanic para mai-adjust kung kinakailangan para sa inyong ligtas na pagsakay at paglalakbay malapit man o malayuan.

HIGPITAN ANG MGA BOLT NG BIKE

​Paliwanag ng bike mechanic,  bicycles are held together by a dozen bolts of nuts.  Ang pagpapanatili na mahigpit sa mga bolt ay mahalaga dahil kapag maluwag ang mga ito ay madaling masisira ang bike at magiging dahilan ito upang maisakripisyo ang kaligtasan at peligro sa paglalakbay.

​Sa paghihigpit ng bolts, sangguniin ang manual para sa wastong torque specs. Ang lubhang mahigpit ay maaaring makasira sa parts ng bike.

LAGING TATANDAAN:  UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI. ​HAPPY MOTORING!

4 thoughts on “SA PANAHON NG PANDEMYA KAILANGAN ANG BISIKLETA”

  1. 221647 472776Helpful info. Fortunate me I discovered your internet internet site by chance, and Im surprised why this twist of fate didnt happened earlier! I bookmarked it. 678638

Comments are closed.