IMINUNGKAHI ni Senador Francis Tolentino na gawing ‘three gives’ ang pagbabayad ng utility bills sa panahon ng state of calamity.
Sinabi ni Tolentino na malaking kagaanan sa mga customer ang three-installment payment scheme sa ilaw, tubig at upa sa bahay sa tuwing nasa state of calamity ang bansa.
Ang panukala ay nakapaloob sa Senate Bill No. 1473 o ang “Three Gives Law” na inihain ni Tolentino na layong gawing tatlong hulog ang mga bayarin sa bahay tulad ng ilaw, tubig at telepono sa lahat ng halaga na babagsak sa due date sa kalagit-naan ng enhanced community quarantine (ECQ) at iba pang kalamidad at emergencies.
Iginiit ng senador ang kahalagahan ng panukala para mabawasan ang pasanin ng mga Filipino at maka-survive sa pang-araw-araw na kinahakarap na hirap dulot ng pandemya.
Aniya, malaki ang maitutulong ng panukala sa mga Filipino na lubhabg naapektuhan ng COVID-19, lalo na ang mga nawalan ng hanapbuhay at pagkakakitaan.
Matatandaan na ipinag-utos ng gobyerno ang moratorium sa pagbabayad sa tubig, ilaw at telephone bills sa mga lugar na idineklara ang ECQ. VICKY CERVALES
Comments are closed.