INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pinapayagan ang mga provincial bus na dumaan sa EDSA sa buong panahon ng Undas break.
Sa isang advisory, sinabi ng MMDA na ang nasabing pagdaan ng mga bus ay papayagan sa national thoroughfare mula Oktubre 29 hanggang alas-5 ng umaga sa Nobyembre 4 para ma-accommodate ang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero.
Ang mga provincial bus mula sa hilagang Luzon ay papayagang huminto sa mga terminal sa Cubao, Quezon City, habang ang mga bus mula sa timog Luzon ay makakabiyahe lamang hanggang sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Pasay.
Una rito, sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na hindi bababa sa 1,200 public buses at utility vehicles ang nabigyan ng special permit alinsunod sa trapiko sa Undas.
EVELYN GARCIA