ITINAAS na nang Philippine Coast Guard District Northeastern Luzon ang “Heightened alert bilang paghahanda sa epekto ng Tropical Storm (TS) sa rehiyon.
Inatasan na rin ni CGDNELZN Commander, CG Captain Ludovico Librilla Jr, ang lahat ng Coast Guard Stations at Sub-Stations na panatilihin ang kahandaan sa pamamagitan ng pag-activate ng kanilang mga deployable response group (DRG) at paghahanda ng kanilang search and rescue (SAR) na mga bangka, sasakyan, at gears.
Dahil nasa heightened alert ang coast guard district, pinaalalahanan ni CG Captain Librilla ang mga lokal na mangingisda at residente ng mga lugar na madaling bahain na gumawa ng mga hakbang sa kaligtasan.
Tiniyak din ng CGDNWLZN District Commander, CG Captain Ivan Roldan na lahat ng personnel at equipment ng Deployable Response Groups (DRGs) ay handa na at all-set na upang tumulong sa LGU para sa evacuations at rescue operations.
“Essential first aid and rescue equipment, as well as radio communication devices, are fully operational in case of emergencies. This is to ensure the safety and security of people within our area of responsibility,” anang coast guard district.
Samantala, ang mga coast guard personnel sa lahat ng pantalan sa rehiyon ay nasa “alert status” upang agarang makatugon sa maritime incidents dulot ng TS Carina.
EVELYN GARCIA