(Sa pananalasa ng ST Egay) NORTHERN LUZON ISINAILALIM SA ‘OPLAN CHARLIE’

KASALUKUYAN nang isinailalim na sa iba’t ibang protocol ang maraming lalawigan sa buong bansa dahil sa tuloy-tuloy na paglakas ng Super typhoon Egay.

Base sa datos ng Department of Interior and Local Government, inilagay sa pinamakamataas na alerto o Charlie Alert ang ilang lalawigan sa Northern Luzon na kinabibilangan ng Cagayan, Ilocos Norte at Apayao ang posibleng makaranas ng malakas na hangin na hanggang sa 150KPH mula sa Bagyong Egay.

Nasa pangalawang pinakamababang alerto o Alert Level Bravo naman ang anim na lalawigan sa Norte na kinabibilangan ng Abra, Batanes, Ilocos Sur, Isabela, Kalinga, Mountain Province.

Habang nasa pinakamababang alerto ang mga sumusunod na lalawigan gaya ng Albay, Aurora, Bataan, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Cavite, Easter Samar. Ifugao, La Union, Laguna, Masbate, Marinduque, Metro Manila, Northern Samar, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Pampanga, Quezon, Quirino, Rizal, Romblon, Samar, Sorsogon, Tarlac at Zambales.

Matatandaan nitong nakalipas na Linggo, inatasan ni DILG ang mga Local Chief Executives na ipatupad ang Oplan Listo Protocols para sa pagtugon sa epekto ng bagyong Egay.
EVELYN GARCIA