(Sa pananatili ng Chinese vessels sa WPS) FISH SHORTAGE IBINABALA

Francis Pangilinan

POSIBLENG maharap sa kakulangan ng suplay ng isda ang bansa sa gitna ng pananatili ng Chinese vessels sa West Philippine Sea, ang tradisyunal na pangisdaan ng mga Filipinong mangingisda, ayon kay Senador Francis Pangilinan.

“May problema na tayo sa pork shortage. ‘Wag naman pati fish shortage dahil sigurado, ‘pag nangyari ito, magmamahal din pati isda,” wika ni Pangilinan sa isang statement.

“Mahirap magmahal ang pagkain, ‘di lang heart-broken aabutin natin, kundi pati sakit ng sikmura,” dagdag pa niya.

Tinukoy ng senador ang report hinggil sa reklamo ng mga mangingisda sa Zambales na kumakainti ang kanilang huling isda dahil may 20 Chinese vessels na nakaangkla sa mahigit 11 kilometro ang layo mula sa San Antonio, Zambales.

Ayon sa mga mangingisda, karaniwan silang kumikita ng hanggang P4,000 kada fishing trip, subalit ngayon ay wala silang huli dahil maraming barkong Chinese ang nakaangkla sa lugar ng kanilang  pangisdaan.

Dahil dito, hinikayat ni Pangilinan, na kabilang sa nagsusulong sa pagbuo ng Department of Fisheries and Aquatic Resources, ang pamahalaan na kagyat na aksiyunan ang mga banta sa Philippine territory at ang posibleng fish shortage.“As early as now, we should heed the warning of our fishermen on the issue of their dwindling catch. We are glad that the DFA takes this into account in their diplomatic protests,” aniya.

Nanawagan din ang senador sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na kumilos at pagkalooban ng tulong ang mga Filipinong mangingisda.

“The Department of Agriculture as a whole must prepare for contingency to avoid a fish shortage,” ani Pangilinan. LIZA SORIANO

4 thoughts on “(Sa pananatili ng Chinese vessels sa WPS) FISH SHORTAGE IBINABALA”

Comments are closed.