(Sa papasok sa Pinas) MANDATORY QUARANTINE INALIS NA

harry roque

INALIS na ng gob­yerno ang mandatory quarantine sa mga pa­silidad para sa fully vaccinated na papasok sa bansa.

Ito ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ay kung magne-negatibo sa RT PCR test, 72 oras o tatlong araw bago umalis sa bansang panggagalingan nila.

Sa halip, sinabi ni Roque na ang mga traveler na ito ay oobligahing sumailalim na lamang sa home quarantine sa loob ng 14 na oras.

Samantala, pinaaalis na ni Congressman Ronnie Ong sa IATF ang quarantine at RT-PCR requirement sa tourist destinations para sa mga fully vaccinated basta’t mayroon lamang pre-booked accommodation at pre arranged itinerary.

Bukod dito, binigyang diin ni Ong na ang lahat ng hotel staff, guides, drivers at iba pang tourism personnel ay dapat na fully vaccinated na rin.

Sinabi ni Ong na ang mga lugar na bubuksan para sa turismo ay dapat sa mga lugar lamang na mayroong alert levels na katumbas ng sa Moderate General Community Quarantine at General Community Quarantne.

Naniniwala si Ong na handa na ang ilang lugar sa bansa para buksan ang turismo sa fully vaccinated  local at international travelers.

11 thoughts on “(Sa papasok sa Pinas) MANDATORY QUARANTINE INALIS NA”

  1. 873409 780020Wow post thanks! We think your articles are wonderful and want far more soon. We love anything to do with word games/word play. 662525

  2. 595401 178346This kind of publish appears to get yourself a lot of visitors. How will you acquire traffic to that? It provides a great unique twist upon issues. I guess having something traditional or perhaps substantial to give info on could be the central aspect. 554804

  3. 606926 304678Hello there. I necessary to inquire some thingis this a wordpress web site as we are thinking about transferring across to WP. Moreover did you make this theme all by yourself? Cheers. 896546

Comments are closed.