ISINUSULONG ng House Ways and Means Committee, sa pamumuno ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang panukalang 20% diskuwento sa mga bayarin ng health workers sa 42,046 mga barangay sa bansa na napakababa ang mga sahod.
Pinagtibay ng komite ni Salceda nitong linggo ang “substitute bill” o kapalit ng ilang panukalang batas na nagtutulak sa “Magna Carta for Barangay Health Workers or BHWs Act.”
Nakapaloob sa wala pang numerong substitute bill ang amyenda ng komite na magbibigay ng 20% diskuwento sa mga bayarin ng Barangay Health Workers (BHW) na kasama sa listahang kalakip sa “Expanded Senior Citizens Act of 2010.”
Ayon kay Salceda, kasama sa naturang mga bayarin ang lahat ng gastusing pangkalusugan, pamasahe sa pampublikong sasakyan, restoran at hotel, sinehan at mga gastusin sa burol at paglibing ng mga namatay.
Sa ibang mga panukala, ang nakasaad lamang ay 10% diskwento at value-added tax (VAT) exemption sa mga pangangailangang medikal ng mga BHW.
Ang karagdagang probisyon, ayon kay Salceda, ay nagbibigay ng pagpapahalaga sa mga obligasyong sosyal natin sa mga BHW, na ang karamihan ay hindi sapat na nabayaran sa sinuong nilang mga panganib sa panahon ng pandemya, at hindi rin sila nakasama sa mga benipisyong laan ng Bayanihan to Recover as One Act.
Ipinaliwanag ng mambabatas na sa ilalim ng Administrative Order No. 36, na naglalaan ng special risk allowances para sa health care workers ang naturang benepisyo ay para lamang sa mga BHW na nakatalaga sa mga ospital, laboratoryo at mga pasilidad na medikal o pang-quarantine.
“Para bang hindi nalalagay sa panganib ang mga BHW kung sila’y gumagawa ng contact tracing o nasisilbi sa mga naka-quarantine sa kanilang mga tahanan. Hindi ganyan ang intensiyon namin sa Kongreso, kaya kailangangang ituwid natin, kahit kaunti,” dagdag ni Salceda.
Binigyan niya ng diin na ang mga BHW ang pinakamahalagang sangkap at bahagi ng balangkas na ‘granular lockdown system’ na ipatutupad sa mga lugar kung saan matindi ang hawahan at mga kaso ng Covid-19.
“Kung wala ang mga BHW, mawawalang bisa ang naturang balangkas. Napakalaki ng panganib nilang susujngin. Sila pa naman ang may pinakamababang kita, Marapat lamang na bigyan sila ng kaunting dagdag na pakinabang,” madiing pahayag ng kongresista.
570356 348076adore your imagination!!!! great work!! oh yeah.. cool photography too. 134284
703063 534429But wanna remark that you have a very decent internet web site , I love the design it really stands out. 208731