Sinabi ni Ric Pinca, executive director ng PAFMIL, na ang presyo ng wheat ay pumalo na mula $300 per metric ton (MT) noong nakaraang taon sa $500MT hanggang $600MT.
“Talagang tataas ang harina dahil patuloy na tumataas ang presyo ng trigo, ng wheat, na ginagamit sa paggawa ng flour sa world market,” ani Pinca.
Aniya, ang presyo ng trigo ay sumipa dahil sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Ukraine at ng Russia — na bumubuo sa 30% hanggang 40% ng exportable stocks ng wheat sa mundo — export ban ng India para protektahan ang kanilang local supply ng wheat, at sa tagtuyot sa wheat-producing areas sa United States.
Dagdag pa niya, maaar ring magtulak sa pagtaas ng production cost ng harina ang humihinang Philippine peso kontra US dollar, na pumalo na sa $56:$1 level.
Dahil sa pagmahal ng harina ay tumaas din ang presyo ng pandesal sa P2.50 hanggang P3.00 kada piraso.