(Sa patuloy na pagsipa ng COVID-19 cases) BANKING HOURS PINAIKLI

ILANG bangko ang pinaikli ang kanilang operating hours sa gitna ng patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa magkakahiwalay na abiso, sinabi ng mga local lender na ia-adjust nila ang oras ng kanilang operasyon bilang pag-iingat para sa kanilang mga kliyente at tauhan.

Kahapon, Enero 9, ay nakapagtala ang bansa ng record-high 28,707 bagong COVID-19 infections, dahilan para pumalo na sa 2,965,447 ang kabuuang bilang na may aktibong kaso na mahigit 128,000

Ang mga sangay ng BDO Unibank Inc. sa Metro Manila ay magsasara sa alas-3 ng hapon simula sa Lunes, January 10, 2022.

Hindi na rin magbubukas ang mga sangay sa araw ng Sabado simula sa January 15, 2022.
“Our clients’ safety is very important to us. Our safety protocols in the branches remain intact and our employees are vaccinated,” sabi ng BDO.

Samantala, ang banking hours ng Philippine National Bank (PNB) sa buong bansa ay mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, maliban sa mall-based at NAIA branches simula sa Lunes, January 10, 2022.

Magagamit ang internet banking at mobile banking para sa pang-araw-araw na transaksiyon.
Ilalatag din ng PNB ang Bank on Wheels service nito sa mga lugar na walang ATMs.