(Sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases) BUSINESS PERMIT RENEWAL I-EXTEND

NANAWAGAN ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa mga lokal na pamahalaan na palawigin ang panahon para sa renewal ng business permits at pagbabayad ng real property tax payments hanggang sa katapusan ng taon.

Ito ay sa gitna ng patuloy na pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, na pinaniniwalaang dulot ng Omicron variant.

Kahapon, Enero 15, ay nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 39,004  bagong kaso, na pinakamataas ns single-day tally sa bansa.

“This is a time for us to approach situations with more compassion and sensitivity. With record-breaking number of COVID-19 cases being announced almost every day, we at ARTA believe it is only right to extend the period of renewal of business permits,” pahayag ni ARTA director general Jeremiah Belgica Belgica.

“Public health should be the government’s topmost priority right now. People traveling to city halls to renew their business permits and pay their real property tax would not help in curbing the spread of the virus,” dagdag pa niya.

Ang panahon ng renewal para sa business permits ay mula Enero 3 hanggang  20.

Ayon sa ARTA, ang LGUs ay may kapangyarihan na palawigin ito.

Hinikayat din ni Belgica ang LGUs “to fully automate business permitting and licensing systems in compliance with Republic Act No. 11032 or the Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.”

Aniya, sa pamamagitan nito ay ligtas na makakapag-transact kapwa ang publiko at ang gobyerno sa panahon ng pandemya.