NGAYON panahon ng tag-ulan, pinayuhan ni Philippine National Police (PNP)Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang kanyang mga tauhan na ihanda ang mga pamilya.
Sa kanyang talumpati sa Regular Monday Flag Raising Ceremony sa Camp Crame, sinabi ni Marbil na kahit may kalamidad ay tuloy ang serbisyo -publiko ng mga pulis at mas higit silang kailangan ng taumbayan.
Dahil aniya, on call kapag may kalamidad, kadalasang naiiwan ay pamilya ng mga pulis at nauunang iligtas ang ibang tao.
Kaya naman payo ni Marbil, ngayon pa lamang ay ihanda na ng mga pulis ang kanilang mga pamilya at tiyakin ang kaligtasan ng mga ito.
“Let us prepare, ‘yung mga gamit at mga family natin. Ang una pong tinutulungan ng mga tao natin kapag nagkakasakuna, ‘yung mga tao, naiiwanan po amg mga pamilya.and talagang ganito po ‘yung malasakit ng mga pulis wala silang pakialam sa pamilya nila, ang importante ‘yung mga tao,’ ani Marbil.
Ang nasabing mandato ng PNP ay patunay na magaling ang mga pulis na iginiit nito sa unang bahagi ng speech ni Marbil.
Ayon sa PNP chief, noon pa man ay mahuhusay na ang mga pulis at hindi lang nalalaman ng publiko dahil hindi maiiwasan na mayroong nasasangkot sa kontrobersiya.
Subalit, hindi dapat panghinaan ng loob ang organisasyon at sa halip ituloy ang magandang gawain at performance bilang alagad ng batas.
Habang nanawagan sa publiko na unawain ang trabaho ng PNP.
“Mayroong napupunta sa kontribersiya.
Let us go on, let us show them kahit ano mangyari, we are still one, ito po ‘yung Philippine National Police n’yo, sa inyo po ito hindi po sa amin. Nandito po kami para magpatupad ng tama nd I hope and let us… intindihin n’yo lang, ang gagaling ng mga pulis natin,” anang PNP Chief.
Tiniyak naman ni Marbil sa kanyang mga tauhan na kahit kinasuhan ang mga ito dahil sa pagganap sa tungkulin subalit tama ang ginawa ay hindi iiwan at bibigyan ng legal assistance.
Habang ang mga wounded in action cop sa pagresponde o nagkasakit habang nasa organisasyon ay tutulungan sa medical gaya ng pagkakaroon ng health card.
EUNICE CELARIO