(Sa Pebrero dahil sa pagmura ng jet fuel)PASAHE SA EROPLANO BABABA

airplane

MAKAAASA ang mga pasahero ng mas mu- rang plane fares sa susunod na buwan ma- karaang babaan ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang fuel surcharge level sa gitna ng pagbaba sa presyo ng jet fuel.

Sa abiso ng CAB, ang fuel surcharges ay ibinaba sa Level 6 para sa Pebrero 2023 mula sa umiiral na Level 7.

Sa ilalim ng Level 6, ang mga pasahero na bibili ng flight tickets para sa buwan ng Pebrero ay sisingilin lamang ng fuel surcharge na P610.37 para sa international flights sa Taiwan, Hong Kong, Vietnam, Cambodia, o Brunei; o P4,538.40 sa mga destinasyon na higit 14,000 kilometers ang layo sa Pilipinas.

Para sa domestic flights, ang mga pasahero ay pagbabayarin lamang ng fuel surcharge ng mula P185 hanggang P665, depende sa layo.

Ayon sa CAB, ang fuel surcharge rate ay bumaba dahil sa pagmura ng jet fuel na na-monitor mula December 2, 2022 hanggang January 9, 2023.

Nakasaad sa abiso na ang presyo ng jet fuel ay may average na P38.92 kada litro, na tumutugma sa Level 6 ng Passenger and Cargo Fuel Surcharge Matrix.

“(The trend is) downward so far, and we hope it continues. But the global supply and prices are still very unstable because of the ongoing war and sanctions,” sabi ni CAB Executive Director Carmelo Arcilla III.