ANG Las Piñas Bamboo Organ ay ang kaisa-isa at pinakamatanda, at pinakamalaking bamboo organ sa buong mundo, na may kakaibang tunog kumpara sa iba pang pipe organ. Yari ito sa kawayan na maraming makikita sa Batangas at marami pang bahagi ng Luzon.
Matatagpuan ang nasabing Bamboo Organ sa Pilipinas, sa St. Joseph Parish Church, Las Piñas, Metro Manila.
Ginawa ito noong 1824 na natapos lamang sa loob ng walong taon, na may 1,031 pipes, kung saan ang 902 piraso ay gawa sa native bamboo. – SHANIA KATRINA MARTIN