(Sa Pinas, buong mundo – DA) SUPLAY NG BIGAS SAPAT

Agriculture Secretary William Dar-2

TINIYAK ni Agriculture Secretary William Dar na may sapat na suplay ng bigas hindi lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo sa gitna ng krisis sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Dar, mahigit sa dalawang buwan ang imbentaryo nila ng bigas bukod pa sa matitipon mula sa anihan ngayong Abril.

Aniya, walang dapat na ipangamba ang mga mamimili hinggil sa suplay  ng bigas, subalit umaapela siya na huwag mag-hoard  upang may sapat na mabili ang lahat.

“More than two months ang imbentaryo natin. Mayroon pa itong Abril, mag-aani tayo. Huwag tayong mabahala sa bigas. Huwag lang tayong mag-hoarding para may sapat mabili lahat,” aniya.

“Maraming bigas sa mundo. Ang problema lang kung lahat ng countries ay hindi mag-export,” dagdag pa ng kalihim.

Ani Dar, nangako ang Vietnam na tatalima sa rice import deal sa Filipinas kung saan mahigit sa isang milyong metriko tonelada ng bigas ang hindi pa dumarating sa bansa.

Sinabi pa ng agri chief na nananatiling matatag ang presyo ng bigas sa bansa dahil sapat ang suplay para sa demand. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.