IPINAHAYAG ni Speaker Lord Allan Velasco na makasisiguro ang sambayanang Filipino na ang gagawin sa Kamara na pagbibilang ng mga boto para sa posisyon ng pagka-pangulo at bise presidente, kasama na ang pagproklama sa mananalo, ay magiging mabilis, transparent at credible.
Ginawa ng House Speaker ang pagtitiyak kasabay ng pagtatakda para sa Senate at House of Representatives joint public session ngayong linggo, para tugunan ang kanilang mandato sa ilalim ng Saligang Batas na tumayo bilang National Board of Canvassers (NBOC), o pagbibilang sa mga boto para sa President at Vice President.
“The Congress, sitting as the NBOC, is duty-bound to make sure that the entire process of vote counting and transmission of results will be done expeditiously and with utmost transparency and integrity,” ayon pa kay Velasco.
“We will perform our constitutional duty quickly and efficiently. We will be combining accuracy and speed in order for us to meet our committed timeline,” dagdag ng pinuno ng Kamara kung saan inaasahan na pagsapit ng Mayo 27 ay maipoproklama na nila ang mga nanalo sa dalawang nabanggit na posisyon.
Sinabi rin ni Velasco na tuloy ang kanilang gagawing canvassing sa kabila ng pagkakaroon ng disqualification case laban kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nakabinbin ngayon sa Supreme Court (SC).
“Our duty to canvass is mandated by the Constitution itself. Nothing therein says that this duty is suspended while a case, which has already been dismissed by the Commission on Elections, is pending with the Supreme Court,” pagbibigay-diin pa niya.
Ngayong araw ng Lunes ay magbabalik-plenaryo ang Kamara kung saan sa kanilang sesyon ay inaasahang aaprubahan nila ang joint resolution na nananawagan para mag-convene ang Senado at Lower House bilang NBOC para sa paghalal ng dalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.
Ang dalawang kapulungan ay magbubuo ng kani-kanilang kinatawan sa Joint Committee at bukas ay silang mamahala para sa pagsisimula ng pagbibilang ng mga boto kaugnay ng nakaraang May 9 polls.
“Each contingent will have seven regular members and four alternate members. The Speaker and the Senate President shall designate the chairperson of each panel. t is expected that the Senate will initiate the delivery to the House of the ballot boxes containing the certificates of canvass (CoCs) to be counted by the Joint Committee.The Speaker and the Senate President shall serve as presiding officers during the joint session,” ang paliwanag naman ni Velasco sa magiging proseso ng kanilang mandato bilang NBOC.
ROMER R. BUTUYAN