(Sa presidentiables’ list) MAYOR SARA NANGUNGUNA PA RIN

Sara Duterte

SA 28 porsiyentong pagpili sa kanya  ng mga botante sa buong bansa, nananatili  si Davao City Mayor Sara Duterte na  top choice sa 15 pangalan ng mga kandidato para sa halalan sa susunod na taon, ayon sa latest survey ng OCTA Research.

“Former Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. retained his usual rank as second preferred presidential candidate with 13 percent rating if the elections were to be held between July 12 and 18, 2021,” ayon sa survey ng OCTA Research.

Magkapareho namang nakakuha ng 10%  sina  Sens. Grace Poe at Manny Pacquiao at 11% kay Ma­yor Francisco ‘Isko’ Domagoso.

Lumitaw rin sa  survey  na sa  15 posibleng presidentiables, si dating Sen. Marcos ang  nangungunang pinili ng  respondents sa  National Capital Region na nakakuha 23 posiyento,  habang sina Mayors Sara (15%) at Isko (22%).

Ang iba pang  posib­leng kandidato para sa presidential bid na kasama sa survey list: Vice President Leni Robredo, 5 percent; Alan Peter Cayetano, 5 percent; Sen. Bong Go, 4 percent; Sen. Tito Sotto, 3 percent; Sen. Panfilo Lacson, 2 percent; dating  VP Jejomar Binay, 2 percent; Sen. Richard Gordon, 1 percent; dating Sen. Antonio Trillanes, 1 percent; at dating  Liberal Party presidential bet Mar Roxas at dating  Supreme Court Justice Antonio Carpio,  na parehong zero.

Matatandaang matatag na  nakaposte sa ikalawang puwesto si Marcos sa dalawang  surveys ng Pulse Asia simula Disyembre ng nakaraang taon.

Si Isko Moreno ay hindi man lang nakapuwesto sa ikatlong spot sa nasabing survey.

Ang survey  ay isinagawa habang iniuulat na nag-iikot si Sara sa mga probinsiya, kasama ang Cebu,  na sinasabing may pinakamataas na bilang ng mga botante.

Si Moreno naman, na aktibo  sa media ay nabatikos ni Presidente Duterte dahil sa umano’y hindi pag-iisip ng paraan nang ipagpatuloy ang pagbabakuna sa nasasakupan sa kabila ng masamang panahon at inabot ng baha ang mga tao.

Habang si Marcos ay tahimik na   tumutulong sa mahihirap sa mga probinsiya katulad ng mga naapektuhan ng lindol sa Batangas.

Ganoon din ang pagtugon sa mga pangangaila­ngan ng mga nasunugan sa Pateros at ang pagkakaloob ng protective gadgets laban sa  coronavirus disease – 2019 (COVID – 19) ng mga frontliner sa Baguio City.

Naghihintay ang mga political analysts sa dekla­rasyon ni  Marcos sa kanyang plano sa May 2022 elections dahil masidhi ang kanilang paniniwala na magiging malaki ang pagbabago  ng political landscape kapag nag-anunsiyo ito na tatakbo sa pagkapa­ngulo sa susunod na taon.

Iniulat na nagdaos ng pagpupulong si  Senador Imee Marcos sa mga mambabatas at  local go­vernment officials mula sa norte na maliwanag na paghahanda sa pagtakbo ng kanyang kapatid.

Iniulat din na hindi lamang mga miyembro ng “Solid North” ang nagtipon-tipon sa lumang bahay ng mga Marcos sa San Juan City  kundi kasama rin ang mga mambabatas mula sa  National Capital Region (NCR) at iba pang lugar.

2 thoughts on “(Sa presidentiables’ list) MAYOR SARA NANGUNGUNA PA RIN”

  1. 812445 313821Sorry for the huge review, but Im genuinely loving the new Zune, and hope this, as well as the excellent reviews some other individuals have written, will assist you decide if it is the right choice for you. 469932

Comments are closed.