(Sa public transport) 1 METER SA SOCIAL DISTANCING BABAWASAN

Transportation Secretary Arthur Tugade-2

MULA sa umiiral  na 1-meter na physical distancing,     babawasan na ang distansya sa pagitan ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan sa mga susunod na linggo.

Layon nitong madagdagan ang seating capacity ng mga pampublikong sasakyan at mas marami ang makasakay na pasahero.

Sinabi ni Transportation Secretary  Arthur Tugade, inaprubahan ito ng Inter Agency Task Force.

Simula sa Setyembre 14, ay  .75 meters na lang ang pagitan ng mga pasahero sa mga PUV.

Magiging 0.5 ito sa susunod na dalawang linggo at 0.3 meter sa susunod pang dalawang linggo.

Magpapatupad na rin ng adjusted passenger capacity sa mga tren kaya inaasahang tataas din ang bilang ng mga pasaherong maisakay rito.

Giit ni Tugade, kinakailangang pa rin  na ang lahat ng pasahero ay susunod sa mandatory na pagsusuot ng face mask at face shied

Sa kasalukuyan, 155 ang train capacity sa LRT-1 sa ilalim ng umiiral na 1-meter physical distancing.

Sa pagpapatupad ng 0.75 hanggang 0.3 meter na distansya ay tataas ang passenger capacity nito sa hanggang 300.

Sa LRT-2 naman mula sa kasalukuyan 160 na passenger capacity ay tataas ito sa hanggang 502

Sa MRT-3, mula sa kasalukuyan 153 na passenger capacity ay tataas ito sa hanggang 286.

Sa PNR, mula sa kasalukuyan 166 na passenger capacity ay tataas ito sa hanggang 320.

Comments are closed.