PUMUWESTO na sa ika-10 si Senate Trade and Commerce Committee Chair Aquilino “Koko” Pimentel III sa pinakahuling Pulse Asia senatorial survey kaya nakagawa ng todong pag-angat sa “Magic 12” isang buwan bago ang May 13 national at local elections.
Ang survey na isinagawa mula Abril 10 hanggang 14 ay nagpapakita ng pag-angat ni Pimentel nang apat na puwesto sa survey ng Pulse Asia mula Marso 23 hanggang 27.
Ayon kay Pimentel na PDP-Laban president, ang ipinakita sa survey ng administration senatorial candidates “ay sumasalamin sa suporta ng publiko sa gobyerno ni Duterte at nagpapakitang nagugustuhan ng mga botante ang kasalukuyang pamahalaan na nagsisikap para mapabuti ang kanilang buhay.”
“These surveys, and ultimately the elections two weeks from now, are a referendum of the current government,” diin ni Pimentel na reeleksiyonistang senador mula sa Mindanao. “And it is clear based on the numbers that our people approve of the direction of the administration, and want continuity.”
Walang kandidatong senador mula sa oposisyon ang pumasok sa Magic 12 sa huling Pulse Asia survey na tinanong ang mga botanteng 18-anyos pataas.
Sinabi pa ni Pimentel na malaki ang naitulong sa mga kandidato ng administrasyon ang kanilang pagsisikap na magsagawa ng positibo, produktibo at kampanyang nakabase sa plataporma.
“We believe that when it comes to convincing voters, it is better to focus on what we have done and what we plan to do, rather than bickering with our opponents. ‘Wag na tayo magsiraan; let us just in-form the voters about what we have to offer and then let them decide,” dagdag ni Pimentel.
Comments are closed.