UMABOT na sa mahigit 20 milyon ang bilang ng basic deposit accounts (BDAs) sa first quarter ng taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ang BDA ay isang deposit product na may mababang account opening balance requirement na P100 o mas mababa pa, walang maintaining balance, walang dormancy charges at may simpleng identification requirements.
Isinusulong ng BSP ang BDAs bilang kasangkapan para sa financial inclusion nang sa gayon ay mas maraming tao ang magkaroon ng access sa formal financial sector.
Sa pinakahuling datos na inilabas ng BSP ay lumitaw na ang BDAs ay umabot sa 21.9 million noong Enero hanggang Marso, tumaas ng 170% mula 8.1 million BDAs sa first quarter ng 2022.
Samantala, ang total value ng BDA deposits ay nagkakahalaga ng P27 billion, tumaas ng 432% mula P5.1 billion sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
“Part of the growth was driven by the conversion to BDA of transaction accounts opened under the Philippine Identification System (PhilSys) co-location strategy in the fourth quarter of 2022, which resulted in 7.5 million additional BDAs,” ayon sa central bank.
“An initiative of the Philippine Statistics Authority and the Land Bank of the Philippines, the co-location strategy aims to onboard unbanked PhilSys registrants into the formal financial system after their biometrics capture at registration centers,” dagdag ng BSP.