MAY kabuuang $4.80 billion na public sector foreign borrowings sa first quarter ng 2022 ang inaprubahan ng policy-setting Monetary Board ng central bank, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sinabi ng BSP na ang halaga ng foreign borrowings sa unang tatlong buwan ng taon ay mas mataas ng 69% kumpara sa $2.84-billion approvals sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ang borrowings na inaprubahan ng Monetary Board ay kinabibilangan ng isang bond issuance na nagkakahalaga ng $2.25 billion; at tatlong project loans na may kabuuang halaga na $2.55 billion.
Popondohan ng nasabing borrowings ang general budget financing requirements ng national government na nagkakahalagang $2.25 billion, transportation sa $2.08 billion, COVID-19 pandemic response sa $300 million, at infrastructure sa $175.10 million.
Sa ilalim ng Section 20, Article VII ng 1987 Constitution, kailangan muna ang approval ng BSP, sa pamamagitan ng Monetary Board nito, para maisagawa at magarantiyahan ang lahat ng foreign loans ng Republika ng Pilipinas.
“The BSP promotes the judicious use of the resources and ensures that external debt requirements are at manageable levels, to support external debt sustainability,” sabi ng central bank.