(Sa Q2,  Q3, susunod na 12 buwan) CONSUMER CONFIDENCE TUMAAS

BSP

LUMAKAS ang consumer confidence sa bansa sa second quarter ng taon, ayon sa Consumer Expectation Survey na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kahapon.

Lumitaw sa survey na ang overall confidence index (CI) ay tumaas sa -30.9 percent mula -34.7 percent sa naunang quarter.

“The improved CI, albeit remaining negative, indicates that the number of households with pessimistic views decreased relative to the number in Q1 2021, but was still more than those with optimistic views,” pahayag ng BSP sa isang statement.

Ang pagtaas ng kumpiyansa ay dahil sa inaasahang dagdag na trabaho at permanenteng trabaho, karagdagan o mas mataas na kita at epektibong government policies at  programs para tugunan ang COVID-19 concerns tulad ng mga bakuna, financial assistance at pagluluwag sa quarantines, ayon sa survey na isinagawa mula Abril 21 hanggang Mayo 1 sa 5,701 households.

Tumaas din ang consumer confidence para sa third quarter at sa susunod na 12 buwan kung saan ang CI ay naitala sa1.3 percent mula sa -2.2 percent sa Q1.

Ayon sa central bank, ang CI para sa susunod na 12 buwan ay tumaas sa 19.8 percent mula 17.9 percent sa Q1.

“Consumer outlook in terms of the 3 component indicators, namely economic condition, family’s financial situation and family income also ‘generally improved’ in the second quarter,” ayon pa sa survey.

Gayunman, ang consumers’ household spending outlook ay bumaba sa third quarter sa 25.4 percent mula 29 percent sa Q1 survey.

59 thoughts on “(Sa Q2,  Q3, susunod na 12 buwan) CONSUMER CONFIDENCE TUMAAS”

Comments are closed.