(Sa Q3 2024) BUSINESS CONFIDENCE TUMAAS

NANANATILING kum­piyansa ang mga negosyo hinggil sa kanilang prospect ngayong quarter, subalit ang mga consumer ay pessimistic, ayon sa surveys ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kamakailan.

Base sa latest Business Expectations Survey ng BSP, ang businesses’ confidence index ay bahagyang tumaas sa 32.9 percent sa third quarter, mula 32.1 percent sa second quarter.

Karamihan sa mga negosyo ay nagsabing kumpiyansa sila dahil inaasahan nila ang pagtaas sa demand para sa goods and services tulad ng food and beverage, apparel, education, at personal services; at ang seasonal uptick sa business activities dahil sa pagsisimula ng bagong school term at sa pre-holiday inventory stocking ng retailers.

Inaasahan din nila ang pagbagal ng inflation at ang paglawak at pagbuti ng business operations.

Ang business confidence sa nakaraang quarter ng taon ay lumakas din, kung saan umakyat ang confidence index sa 56.8.

Samantala, nanatiling pessimistic ang mga consumer bagama’t nabawasan ang pessimists.

Lumitaw sa Consumer Expectations Survey ng BSP na ang overall confidence index para sa consumers ay nasa -15.6 percent, mas mataas sa -20.5 percent na naitala sa second quarter.

Sinabi ng mga consumer na nabawasan ang kanilang pessimism dahil sa mas mataas na income mula sa suweldo, remittances, at iba pang sources; karagdagang pinagkukunan ng income; permanent employment at mas maraming trabaho, at mas maraming miyembro ng pamilya na nagtatrabaho.

Gayunman, ang consumer sentiment ay naging positibo para sa fourth quarter, sa 0.7 percent.

Ang bilang ng kabahayan na may savings ay bumaba rin sa third quarter, habang ang mga may utang ay tumaas.

Kapwa inaasahan ng mga negosyo at consumer ang mas mahinang piso, at mas mataas na inflation at interest rates sa third quarter.

Consumers also expect higher unemployment in the same period.