Sa Q4 ng 2020 FARM OUTPUT BUMABA NG 3.8%

PSA-PH FARM OUTPUT

BUMAGSAK ang agricultural output ng bansa ng 3.8% sa huling quarter ng 2020 mula sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) kaunti lamang ang naprodyus na livestock, fish at crops sa nasabing panahon.

“The last quarter figure brought agricultural output for the entire 2020 down 1.2% from the meager 0.3% growth recorded in 2019,” ayon sa datos ng PSA.

Ang pagbaba ng farm output sa huling tatlong buwan ng 2020 ay nagpapakita ng pagbagsak sa production ng crops, live-stock, poultry, at fisheries. Mas malala ito sa 0.1% contraction na naitala sa kahalintulad na panahon noong 2019.

Gayunman, ang farm output ay nagkakahalaga ng ₱503.81 billion, mas mataas ng 5% kumpara sa ₱404.96 billion noong nakaraang taon.

Sa datos ng PSA ay lumitaw na tumaas ang average farmgate prices per kilo noong fourth quarter kumpara sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

“The latest plunge comes after positive growths from two prior consecutive quarters, with farm output growing 0.5% in the second quarter and 0.7% in the third quarter.”

“Livestock, which contributed 15.4% in total agricultural output, was the worst hit among all productions, plunging 12.9% during the quarter. Carabao output fell 17.3%, followed by hogs, which slid 13.8%. Cattle and goat livestock also posted declines of 7.6% and 0.8%, respectively. Dairy production, however, expanded 12.7% during the quarter. In sum, livestock was valued at ₱85.27 billion for the period,” ayon pa sa datos ng PSA.

Nagtakda ang Department of  Agriculture (DA) ng 2.5% growth target para sa industriya ngayong 2021, sa likod ng “further integration of technology in agriculture to boost production and further improve delivery of service to beneficiaries along with connectivity.”

Comments are closed.