(Sa Q4 ng 2021) PRODUKSIYON NG BABOY BUMABA

baboy

BUMABA  ang produksiyon ng baboy sa bansa sa fourth quarter ng 2021, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Base sa datos ng PSA, noong October hanggang December 2021, umabot sa 450,000 metric tons liveweight ang kabuuang produksiyon ng baboy, na mas mababa kumpara sa 4th quarter ng 2020 na umabot sa 515,000 metric tons.

Sa report ng Bureau of Animal Industry (BAI), ang mga  pangunahing rehiyon na nagpoprodyus ng baboy ay ang Northern Mindanao na aabot sa 62,000 metric tons o katumbas ng 13.8%, kasunod  ang Western Visayas, CALABARZON, Central Visayas at Davao Region.

Ayon sa BAI, ang African Swine Fever (ASF) pa rin ang  pangunahing dahilan ng pagbaba ng produksiyon ng baboy sa bansa. DWIZ 882