(Sa Q4 ng 2021 – SWS) 11M PINOY JOBLESS

SWS

BAHAGYANG bumaba ang bilang ng walang trabaho sa bansa sa huling quarter ng 2021, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Isinagawa mula Dec. 12 hanggang 16, lumitaw sa survey na ang  adult joblessness rate ay nasa 24.7% ng adult labor force, o 11 million Filipinos.

Ang bilang ay mas mababa kumpara sa 11.9 million na naitala sa third quarter ng nakaraang taon.

Naitala ng SWS ang pinakamataas na joblessness rate na 34% sa Metro Manila, sumusunod ang Balance Luzon sa 29%, Mindanao sa 18%, at Visayas sa 17%.

“The resulting 25.7% average for 2021 is 11.7 points below the record-high 37.4% average for 2020 but still 5.9 points above the 19.8% average of 2019, before the COVID-19 pandemic,” ayon sa SWS.

Lumitaw rin sa survey na tumaas ang involuntary hunger sa pamilya ng jobless Filipinos sa 22.4% mula sa 16.3% sa third quarter.

Bumaba rin ang bilang ng walang trabaho sa hanay ng mga kababaihan sa 31.2% mula sa  32.3% sa naunang quarter.

Gayunman ay tumaas ang rate sa mga kalalakihan sa 20.5% sa huling tatlong buwan ng 2021 mula 19.3%. LIZA SORIANO