Standings:
W L
TNT Katropa 7 1
NorthPort 7 2
Magnolia 5 2
Blackwater 5 3
Brgy. Ginebra 5 4
Phoenix 4 4
Alaska 4 5
Rain or Shine 3 4
Meralco 3 6
SMB 2 5
Columbian 2 6
NLEX Road 2 7
Mga laro ngayon:
4:30 p.m. – Columbian vs NorthPort
7 p.m. – Rain or Shine vs TNT
PUNTIRYA ng league-leading Talk ‘N Text at second running NorthPort na palakasin ang kanilang kampanya para sa twice-to-beat bonus sa quarterfinals sa magkahiwalay na laban sa PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Araneta Coliseum.
Makikipagtipan ang Tropang Texters sa Rain or Shine Elasto Painters sa main game sa alas-7 ng gabi matapos ang sagupaan ng Batang Pier at Columbian Dyip sa alas-4:30 ng hapon.
Kailangang ma-sweep ng TNTat NorthPort ang kanilang mga nalalabing laro para makuha ang twice-to-beat advantage. Hawak ng Tropang Texters ang 7-1 record habang may 7-2 ang Batang Pier.
Ito ang pinakamagandang showing ng TNT sa maraming taon at determinado si coach Ferdinand ‘Bong’ Ravena na ibalik ang dangal ng koponan na matagal na nawala mula nang mapanalunan ang Philippine Cup noong panahon ni coach Chot Reyes at bigong gawin nina coach Jong Uihico at Nash Racela.
Bagama’t nasa ibabaw ng team standings ay hindi dapat magkumpiyansa ang TNT laban sa RoS na may 3-4 marka. Kailangang maglaro nang husto ang Tropang Texters at gamitin ni Ravena ang lahat ng kanyang nalalaman sa coaching para manalo dahil mahirap talunin ang Elasto Painters at kaya nitong baligtarin ang sitwasyon sa kanilang pabor.
“Our ultimate goal is to get the twice-to-beat advantage. We will go for it no matter how tough it is. I reminded my players and my import to play their best out there to win. This game is very important in our quarterfinals quest,” sabi ni Ravena.
Kumamada ang TNT ng limang sunod na panalo laban sa Phoenix, San Miguel Beer, Barangay Ginebra, sister team Meralco at Columbian Dyip matapos na yumuko sa NorthPort, na nagdala sa Tropang Texters sa liderato.
Dahil krusyal ang ipakikita ng import, umaasa si coach Ravena na muling kikinang si Terrence Jones sa opensa at depensa para kunin ang ika-8 panalo sa siyam na laro.
Maghaharap sina NBA veteran Jones at RoS import Denzel Bowles sa una nilang match-up.
Sa labanang NorthPort at Columbian ay dapat mag-ingat si coach Pido Jarencio upang hindi sapitin ang kahihiyang nalasap ni San Miguel Beer coach Leo Austria na muling yumuko sa Car Makers na pinangunahan ni top rookie CJ Perez sa overtime, 134-132, noong Hunyo 30 sa Big Dome. CLYDE MARIANO
Comments are closed.