(Sa rambulan sa SMB practice) SANTOS, NABONG, TUBID SUSPENDIDO

nabong,santos,tubid

PINATAWAN ng San Miguel Beer ng indefinite suspension sina Arwind Santos, Kelly Nabong at Ronald Tubid kasunod ng rambulan na naga­nap sa praktis ng koponan noong nakaraang Nobyembre 17.

Inanunsiyo ng koponan ang suspensiyon ilang oras bago ang krusyal na laro ng Beermen laban sa TNT KaTropa kagabi sa Ynares Center sa Antipolo.

Ang SMB ay kasalukuyang nasa ika-5 puwesto sa standings na may 6-4 kartada at naghahabol para sa twice-to-beat incentive sa quarterfinals.

Ayon sa pamunuan ng Beermen, bagama’t naresolba na ang gulo sa pagitan ng mga player, at ang insidente ay hindi nasaksihan ng publiko, hindi kinukunsinti ng San Miguel ang unsportsmanlike behavior.

Hindi binanggit ng San Miguel ang dahilan ng rambulan, gayundin si import Dez Wells, na napaulat na sangkot sa insidente.

“Basketball is a physical game where emotions can run high, but we believe that PBA players have to be held to a higher standard of professionalism and sportsmanship at all times,” ayon sa statement na ipinalabas ng San Miguel.

“It is for this reason that we’ve come to this decision, even if it impacts our bid for a second franchise grand slam. Our commitment now, moving forward, is that we will work doubly hard and play our very best, for our fans and for the organization,” dagdag pa nito.

Comments are closed.