(Sa records discrepancies ng COA) IMBENTARYO SA MGA BARIL NG PNP INIUTOS

IBINUNYAG ng Commission on Audit (COA) ang discrepancies sa pagitan ng PNP [headquarters] at regional offices ang nagbukas ng daan para sa misapplication at posibleng pagkawala ng supplies ng armas at iba pang equipment.

Tinukoy ng COA,ang kawalan umano ng maayos na record na nagpapakita na talagang naibigay o naipamahagi ang mga baril at body armor vests sa regional offices ng PNP.

Base umano sa kanilang 2020 audit, nadiskubre ng COA na ang books of accounts ng 11 PNP regional offices ay hindi tumutugma sa bilang ng supplies – “referred to as property, plan, and equipment” – na dapat ay inilipat sa kanila gaya ng naka saad sa national headquarters’ records.

Nakita ng COA team ang discrepancies sa police regional offices sa Ilocos region, Central Luzon, Calabarzon, Miraropa, Bicol region,Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Cordillera Administrative Region, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ang mga kinukuwestiyung supplies ay kinabibilangan ng 9mm pistols, basic assault rifles, enhanced combat helmets, at tactical vests, at iba pa.

Dahil dito, ipinag utos ni PNP Chief Ge­neral Guillermo Eleazar sa lahat ng kinauukulang tanggapan na busisiin ang napaulat na discre­pancies sa records hinggil sa transfer ng firearms at body armor vests sa police regional offices base sa pagsusuri ng COA. VERLIN RUIZ

ARMAS, IBA
PANG GAMIT
NAIPAMAHAGI NA SA PROs

TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar na maipadadala sa lahat ng Police Regional Offices (PROs) ang mga armas at iba pang kagamitan na kanilang binili.

Ang pahayag ni Elea­zar ay upang matiyak na walang discrepancies sa PNP sa larangan ng procurement at pagsunod na rin sa panuntunan ng Commission on Audit (COA).

Siniguro rin ni Elea­zar sa COA na ang accounting division ng PNP, ang Directorate for Comptrollership, at Directorate for Logistics ay regular na sinisiyasat ang kanilang records para bantayan ang mga items kung napupunta sa dapat na paglalaanan gaya sa police regional offices.

“I already directed the concerned police offices to check why the records of the National Headquarters and the Police Regional Offices do not match. They should reconcile the records and correct the discre­pancies to avoid possible issues in the deployment of weapons and other equipment to the Police

Regional Offices,” pagdiriin pa ni Eleazar.

“The PNP remains transparent and I assure the COA that we will address and correct this. Gusto din natin tiyakin na ang lahat ng mga gamit na nakalaan para sa ating mga Police Regional Offices ay nakararating at accounted,” dagdag pa ni Eleazar. EUNICE CELARIO

125 thoughts on “(Sa records discrepancies ng COA) IMBENTARYO SA MGA BARIL NG PNP INIUTOS”

  1. 991338 710938Hiya! awesome weblog! I happen to be a every day visitor to your site (somewhat more like addict ) of this web site. Just wanted to say I appreciate your blogs and am seeking forward for far more to come! 403086

  2. 11687 33897Thank you pertaining to giving this excellent content material on your web-site. I discovered it on google. I may possibly check back once again in the event you publish extra aricles. 371981

Comments are closed.