TUGUEGARAO CITY – TINIYAK ng pamunuan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) Region-II na hindi mawawalan ng supply ng koryente sa mismong araw ng halalan makaraang magpulong ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang maiwasan ang anumang aberya kapag sumapit na ang Midterm Election sa Mayo 13, 2019.
Inihayag ni Melma Batario tagapagsalita ng NGCP Region-II, nagkaroon ng pag-uusap ang kanilang ahensiya sa kanilang partners tulad ng Electric cooperative sa Rehiyon 2, Isabela Electrict Cooperative II, (ISELCO-II) Isabela Cooperative-I (ISELCO-1) Nueva vizcaya Electrict Cooperative (NUVELCO) Gagayan Electrict Cooperative (CAGELCO) at Quirino Electrict Cooperative (QUIRELCO) kung saan ay nagsagawa na nang malawakang pag-aayos sa mga maintenance facilities sa kanilang nasasakupan.
Ayon kay Batario, nagkaroon na umano ng pag-uusap ang kanilang ahensiya sa kanilang mga partners tulad ng electric cooperative kung saan nagkaroon nang pag aayos sa mga maintenance facilities.
Aniya, may commitment umano ang NGCP na hindi magkakaroon ng power interruption isang linggo bago at pagkatapos ng halalan.
Ngunit, kung sakali man umano na magkaroon ng problema ay may 16 na grupo ang nakatakdang i-a-assign sa iba’t-ibang substation sa Rehiyon na agad reresponde.
Dagdag pa ni Batario, may ipinatayo rin umano ang kanilang tanggapan na command center para sa mas madaling koneksyon sa Regional Office hanggang head office. IRENE GONZALES
Comments are closed.