IKINATUWA ng Malakanyang ang resulta ng bagong survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan pito sa 10 Filipino ay ‘satisfied’ pa rin sa pamamalakad ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, malaking sampal ito sa mga bumabatikos at kritiko sa klase ng pamamahala ni Pangulong Duterte.
Aniya, ang buong suporta ng mga Filipino kay Duterte ay nagpapahiwatig ng matibay na mensahe sa ibang bansa at foreign human rights groups na itigil na ang mga walang basehang akusasyon sa kampanya kontra ilegal na droga.
Kaya’t tiniyak ng Palasyo na ipagpapatuloy ng administrasyong Duterte ang kampanya kontra kriminalidad at korupsiyon.
Comments are closed.