(Sa runway ng Basco Airport) PAF PLANE NA NAGHAHATID NG RELIEF GOODS SUMADSAD

ISANG eroplano ng Philippine Air Force (PAF) ang natanggal ang gulong at sumadsad sa runway ng Basco, Airport sa Batanes.

Sa sketchy report, kargado ng relief goods mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Airbus C295-R217 nang maganap ang insidente.

Ang relief goods ay ihahatid sana para sa mga biktima ng mga nagdaang bagyo na Kristine at Leon.

Wala namang naitalang nasugatan o nadisgrasya sa insidente.

Isinusulat ang balitang ito, walang pormal na ulat ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Philippine National Police – Aviation Security Group (PNP-ASG).

EUNICE CELARIO