NAITABOY ng Philippine Coast Guard ( PCG) ang mga barko ng Chinese Maritime Militia sa Sabina Shoal nitong nakalipas na Abril 27 at 29.
Sa ulat ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS), pumunta ang BRP Cabra ng Philippine CoastGuard noong Abril 27 sa Sabina Shoal na 130 milya sa Kanluran ng Palawan para magsagawa ng law enforcement operations kasama ang dalawang barko ng BFAR na MCS 3002 and 3004.
Naabutan nila doon ang pitong barko ng Chinese Maritime Militia na nakahanay sa isang linya, kaya nag-isyu ng challenge ang BRP Cabra sa mga dayuhang barko.
Makalipas ang 20 minuto ay nag-disperse ang mga barko ng China at unti unting umalis sa lugar.
Pagkalipad naman ng dalawang araw, bumalik uli sa lugar ang BRP Cabra at naabutan ang 5 barko pa ng Chinese maritime Militia pero agad ding umalis nang dumating ang barko ng PCG.
Ayon kay National Security Adviser at NTF-WPS Chairperson Sec. Hermogenes Esperon na ipagpapatuloy ng PCG at BFAR ang mga maritime patrols sa Exclusive Economic Zone ng banasa sa West Philippine Sea upang maipagtanggol at mabantayan ang soberenya ng Pilipinas sa karagatan. REA SARMIENTO
364248 849188Its difficult to get knowledgeable folks on this topic, but the truth is be understood as what happens you are preaching about! Thanks 120503
369834 392064Visiting begin a business venture about the web usually means exposing your products or services moreover provider not only to some individuals inside your town, but yet to lots of future prospects who could be over the internet several times. simple internet business 120377