(Sa satellite-based technology) INTERNET CONNECTION ABOT-KAYA NA

Win Gatchalian

HINIKAYAT ni Senador Win Gatchalian ang mga internet service provider na magkaroon ng direct access sa satellite technology  na magbibigay-daan para bumaba ang halaga ng gastusin sa internet connection sa bansa.

“Sa ngayon, ang limitadong paggamit at mababang demand ay dahilan kung bakit mahal ang satellite broadband sa bansa. Ngunit sa kalaunan ay bababa rin ito lalo na kung tataas ang demand o bilang ng mga tumatangkilik dito,” anang Vice Chairperson ng Senate Economic Affairs Committee.

Sa kanyang panukalang Satellite-Based Technologies for Internet Connectivity Act of 2021, sinabi ni Gatchalian na ang value-added service (VAS) providers at internet service providers (ISPs) ay maaaring magkaroon ng direct access, gumamit, magmay-ari o mag-operate ng pasilidad para magkaroon ng internet access gamit ang satellite technology na hindi na kailangan pang kumuha ng prangkisa o provisional authority (PA) o Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) mula sa National Telecommunications Commission (NTC).

“Dito sa batas na inihain ko, hindi na kailangang kumuha ng franchise kaya mas madaling makahikayat ng mga pribadong kompanya at mga dayuhang mamumuhunan na pumasok sa industriya para mapalawak ang merkado, “ paliwanag ni Gatchalian.

Layon ng nasabing panukalang batas na palakasin pa ang Executive Order (EO) No. 127 s. 2021 na nag-amyenda sa EO No. 467 tungkol sa pagbibigay permiso sa telcos, VAS providers, at mga ISPs na rehistrado sa NTC na magkaroon ng direct access sa lahat ng satellite systems upang magkaroon ng internet connection. Sa nasabing EO, sinabi ni Gatchalian na walang malinaw na probisyon dito patungkol sa requirements sa VAS providers at ISPs na pagmamay-ari ng mga dayuhan.

Ayon sa Social Weather Station (SWS) survey na inilabas noong Marso 5, nasa 86% ng pamilyang Filipinong may miyembrong naka-enroll sa online distance learning ang karaniwang may buwanang dagdag-gastos na P901 para sa internet connection. Sa isa pang survey na isinapubliko noong Disyembre 2020 ng cable.co.uk, isang kompanya na nagpapakita ng iba’t ibang presyo ng gastusin sa mga serbisyong iniaalok sa publiko, lumabas na karaniwang umaabot sa $53.71 o halos tatlong libong piso ang nagagastos ng mga Filipino buwan-buwan para lamang sa internet connection.

“Ang naturang panukalang batas ay magiging sagot rin sa pangangailangan ng mga wala o hirap ang access sa internet sa bansa,” ani Gatchalian. VICKY CERVALES

2 thoughts on “(Sa satellite-based technology) INTERNET CONNECTION ABOT-KAYA NA”

  1. 544046 626084Oh my goodness! a fantastic post dude. Many thanks However We are experiencing issue with ur rss . Dont know why Can not sign up to it. Could there be anybody locating identical rss difficulty? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 558540

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *