DUMARAMI na muli ang Filipino na nangingisda sa karagatang sakop ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.
Batay sa pagbabantay ng BRB Naples ng Philippine Coast Guard (PCG) mula Pebrero 28 hanggang Marso 5 ay nasa 45 bangkang pangisda ng mga Filipino ang namataan sa lugar.
Ayon kay PCG Commander Admiral Artemio Abu, patunay ito na nagbubunga na ang pagsusumikap na mahikayat na bumalik ang mga mangingisdang Pinoy na mangisda sa sakop ng Bajo de Masinloc sa lalawigan ng Zambales.
Tiniyak ni Abu na hindi titigil ang PCG sa pagbabantay para tiyakin ang seguridad ng mga mangingisdang Filipino at kaligtasan nila sa karagatang sakop ng teritoryo ng bansa.
Sa datos na ibinahagi ni PCG Spokesman Armand Balilo, nasa 37 bangkang pangisda ng mga Filipino ang nakita nilang naglalayag sa paligid ng karagatan ng Bajo de Masinloc. BETH C