(Sa second quarter ng 2024) AGRI OUTPUT BUMABA NG 3.3%

BUMABA ang agriculture production ng bansa sa second quarter ng 2024 sa gitna ng epekto ng El Niño phenomenon sa crop sector at ng nagtatagal na African Swine Fever (ASF) na patuloy na nakaaapekto sa local hog production.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang value ng agriculture at fisheries production mula April hanggang June ay bumaba ng 3.3% sa P413.91 billion mula P427.9 billion sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng Department of Agriculture (DA) na ang agriculture sector ng bansa ay nagpakita ng katatagan, na sinuportahan ng strategic interventions mula sa ahensiya.

Ayon sa DA, ang pagbaba ay pinagaan ng expansions sa poultry at fishery subsectors, gayundin ng lumalawak na katatagan ng livestock sector sa harap ng nagtatagal na ASF outbreak.

Sa tala ng DA, ang poultry subsector ng bansa ay lumago ng 8.7% sa P70.15 billion, habang ang fisheries sector ay nagtala ng 2.2% pagtaas, na umabot sa kabuuang P60.40 billion.

Ang subsectors ay nagkaroon ng malaking ambag sa overall agricultural output, pinagaan ang 8.6% pagbaba sa crop production —ang pinakamalaking segment, na bumubuo sa 53.2% ng total value.

Ang value ng rice at corn output ay bumaba ng 9.5% at 20.3%, ayon sa pagkakasunod.

“The livestock sector, which constitutes around 15.3% of total production, showed stability with only a slight contraction of 0.3%, bringing its value to P63.33 billion,” ayon sa DA.

Ang stability ay dahil sa katatagan sa swine production, na nagtala lamang ng 0.2% pagbaba sa kabila ng mga hamon ng ASF na nakaapekto sa ilang lalawigan.

Bilang tugon sa mga hamon dulot ng El Niño, sinabi ng DA na nagsagawa ito ng ilang key initiatives upang suportahan ang agricultural sector.

“These measures include P14.54 billion allocated for Rice Farmers Financial Assistance, production support, farmer indemnification, and loan provisions,” ayon sa DA.

“Additionally, the DA has earmarked P350 million for ASF vaccine procurement, pending Food and Drug Administration approval, and continues to promote biosecurity measures to control the spread of ASF,” dagdag pa nito.