SAUDI ARABIA-UPANG bigyan daan ang pagdiriwang ng Eid al-Adha, pinayagan ng kanilang mga employer ang overseas Filipino worker (OFW) na magbakasyon o mag-day off ng apat na araw.
Ang Eid al-Adha ay panghuli sa dalawang kapistahan ng Islam na ipinagdiriwang sa buong mundo bawat taon, at itinuturing bilang nakababanal sa dalawa.
Ang selebrayon ng Eid al-Adha sa Filipinas ay nagsimula noong Hulyo 30 ng gabi hanggang kinabukasan ng gabi, Hulyo 31.
Bukod sa pagpapayag ng mga amo ng pamamahinga, nabigyan din sila ng tulong at regalo.
Ikinagalak ng mga OFW ang mga tulong na ibinigay sa panahon ng selebrasyon.
Kabilang sa mga natanggap na mga tulong ng mga OFW ay pagkain, tubig at pera habang ilang Pinoy na nakabase sa nasabing bansa ay tumulong din sa kanilang kababayan.
Aminado naman ang pamahalaan ng Saudi na malaki ang naging epekto ng pandemya sa pagdiriwang ng mga muslim dahil nalimitahan ang mga dati nilang ginagawa.
Ipinagbabawal pa rin ang mass gathering kaya sa kani-kanilang mga bahay na lamang nagdiriwang ang mga Muslim para makaiwas sa COVID 19. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.