CAVITE- KASABAY sa selebrasyon ng Grandparents Day, inilunsad ng Philippine Foundation for Vaccination at Carmona City Health Office sa pakikipagtulungan ng Raising Awareness on Influenza to Support Elderlies (RAISE) Coalition para sa mga senior.
Pinangunahan nina Department of Health Undersecretary Enrique Tayag at City Mayor Dr. Dahlia Loyola ang pagbabakuna sa 400 senior citizens na nagtungo sa Carmona Community Center laban sa Influenza, kasabay na rin ng COVID-19 booster shot sa nasabing lungsod.
Batay sa statistics, Influenza ang nangungunang sanhi ng kamatayan ng mga senior citizen na may 70% Flu-related hospitalization at 85% na Flu-related deaths na naitatala kada taon.
Ayon kay Tayag, “Vaccine alone doesn’t save lives, Vaccination save lives” kung kaya’t kinakailangan ang sama-samang suporta para maisagawa ang pagbabakuna sa mga senior citizen.
Bunsod nito, patuloy na magsasagawa ng mga information drive at awareness information ang DOH katuwang ang mga LGU’s at RAISE para ikalat ang kahalagahan ng vaccination laban sa Influenza sa hanay ng mga senior sa buong bansa.
Ayon kay Loyola, ang akala ng mga Lolo’t Lola, ang bakuna sa COVID-19 ay may epekto na rin sa vaccine ng Influenza. MB