(Sa selebrasyon ng World Happiness Day) BIGAS IPINAMAHAGI SA BAWAT PAMILYA

INUMPISAHAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng limang kilong bigas sa lahat ng pamilyang Navoteño sa selebrasyon ng World Happiness Day 2022 na may temang “Saya All rice for All.”

Sa target na 80,000 pamilyang Navoteño, 28,223 mula barangays Tangos North at South, Sipac-Almacen at North Bay Boulevard South Dagat-dagatan ang nakatanggap na ng rice packs.

Ang Saya All Rice for All ay parte ng isang serye ng pandemic recovery programs ng pamahalaang lungsod.

Nauna rito, namahagi ang Navotas ng 5-kilo bigas at isang manok sa 80,000 pamilyang Navoteño sa selebrasyon ng ika-116th Founding Anniversary ng lungsod.

Pinalawig din ng pamahalaang lungsod ang Navo-Ahon livelihood assistance sa mga nawalan ng trabaho at mga micro-business na lubhang naapektuhan ng pandemya; tricycle, pedicab at jeepney drivers; at mangingisda.

Sinagot din nito ang P3,000 deficit ng Department of Social Welfare and Development para sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng Bayanihan 1 Social Amelioration Program 2nd tranche. EVELYN GARCIA